Thursday, October 27, 2011

AFP, pinabulaanang may destabilisasyon vs Aquino

Itinanggi ng ilang opisyal ng militar nitong Miyerkules na may magaganap na destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) deputy chief of staff for intelligence Maj. Gen. Francisco Cruz, walang katotohanan at propaganda lamang ang mga ulat na magkakaroon umano ng pag-aaklas ang ilang sundalo.

Umugong ang balitang magkakaroon ng destabilisasyon dahil umano sa demoralisasyon ng ilang sundalo matapos tanggihan ng gobyerno ang all-out war sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Magugunitang 19 sundalo ang namatay nang atakihin sila ng MILF sa Al-Barka, Basilan noong Oktubre 18.

Nang tanungin tungkol sa pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte tungkol sa destabilisasyon, sinabi ni Cruz: “I don’t know what their basis but on the ground, there is none."

Samantala, pinag-aaralan pa ni AFP chief Gen. Eduardo Oban ang mga ulat ng destabilisasyon ngunit narinig niya umano si Valte na nagpahayag na na-misquote lamang siya.

“We’ll check also. But definitely, we are focused on our mandate. We’d like to assure everybody that we remain focused on our mandate. We have jobs to accomplish," ani Oban.

Binisita ni Oban ang headquarters ng AFP Western Mindanao Command (Wesmincom) at AFP Eastern Mindanao Command (Eastmincom) nitong Lunes, kung saan inihayag sa kanya ng battalion commanders na walang katotohanan ang demoralisasyon sa militar.

“I’d like tell you that morale [of the troops] is high, I was assured by the commanders on the ground that everybody in the area both in Wesmincom and Eastmincom are really after the successful operation," aniya.

Samantala, naniniwala si Cruz na hindi na kinakailangan ng loyalty check sa hanay ng mga sundalo.

“The Army has already said that there is no demoralization, it's part of our job [to be killed in combat], those are hazards in the military profession. It’s not only in the Philippines but its all over the world. Those are the experiences of the armed forces," said Cruz. “But mind you, there is no such thing as demoralization. It’s a fabrication, it’s a product of imagination of somebody who like this government to go down," aniya.

Nitong Martes, itinanggi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office head Ricky Carandang ang posibilidad na pagkakaroon ng coup d’etat matapos ibasura ng Pangulo panukalang all-out war sa MILF.

“May tiwala kami na naiintindihan ng ating mga sundalo ito. May tiwala kami na wala sa kanila ang may gusto ng gulo," ani Carandang sa panayam ni "News To Go" anchor at GMA News Online editor-in-chief Howie Severino. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News
-------------------------

No comments:

Post a Comment